- The Department of Agrarian Reform (DAR) provided farm machines and tractors worth P6.7 million to two agrarian reform beneficiaries' organizations in Palawan.
- This initiative aims to modernize farming practices and address the farmers' need for easier farming and cheaper transportation of their produce.
- The farmers' organizations will be able to use the equipment to service their members and other small farmers in the community.
PUERTO PRINCESA, Palawan – Mahigit 400 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lalawigang ito ang inaasahang mapapalakas ang kanilang operasyon sa pagsasaka dahil pagbibigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng P6,742,000.00 halaga ng mga makina at traktora.
Pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang turnover ng mga makina at traktora para maiangat ang buhay ng mga miyembrong magsasaka mula sa dalawang (2) agrarian reform beneficiaries’ organizations sa Palawan.
Ang Bono-Bono Gintong Butil Multi-Purpose Cooperative sa Bataraza agrarian reform community ay nabigyan ng 1 unit harvester na may trailer at 1 unit na 4-wheel drive tractor na may rotary tiller na nagkakahalaga ng P 3,498,000.00. Nakatanggap din ang Malalong-Binasbas Agriculture Cooperative ng 1 unit hauling truck na may 6-wheeler drop side na nagkakahalaga ng P 3,244,000.00.
Sinabi ni Estrella na ang inisyatiba ay isang patunay sa pangako ng DAR na magkaroon ng positibong epekto sa buhay ng mga magsasaka at pagtiyak na ang mga ARB ay magkakaroon ng access sa mga kagamitan upang sila ay makatulong sap ag-unlad ng lokal na ekonomiya.
"Gamit ang mga makinarya at kagamitang pangsaka, ang mga organisasyong ito ay maaari na ngayong magbigay ng mga serbisyo sa kanilang mga miyembrong ARB, mga kalapit na organisasyon ng ARB, at iba pang maliliit na magsasaka sa komunidad," ani Estrella.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Rowena Nina Taduran, na tumulong sa Kalihim sa turn over ceremony, na tutugunan ng farm machine, tractor at hauling truck ang inisyatiba ng DAR na gawing moderno ang pagsasaka ng mga ARB at tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka para sa mas madaling pagsasaka at mas murang transportasyon ng kanilang mga produkto.
“Ang hauling truck ay magsisilbing karagdagang serbisyo ng mga ARBO sa mga miyembro nito at hindi miyembrong magsasaka. Mababawasan nito ang kanilang problema sa mamahaling renta, habang ang traktor at thresher ay makatutulong upang mapadali at mapabilis ang pagsasaka,” ani Taduran.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Lovimen Gallego, Chairman ng Malalong-Binasbas Agrarian Cooperative, sa ngalan ng mga miyembro nito, at nangakong aalagaan ang trak na kanilang natanggap.
“Ang hauling truck na ito ay gagawing mas madali at mas mabilis ang paghahatid ng aming mga ani at produkto. Madadagdagan din ang ipon namin dahil hindi na kami magrerenta ng mga pribadong hauling truck para sa aming paghahatid ng mga produkto. Pinasasalamatan namin ang DAR sa pakikinig sa aming mga alalahanin, at sa pagbibigay sa amin ng lubhang kailangan na hauling truck na ito,” ani Gallego.
Mula sa kabuuang P 6.7 milyong makinarya at kagamitang pangsaka, P3,498,000.00 ay nagmula sa ilalim ng programang SuRe ARCs at Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ng DAR, habang ang P3,244,000.00 panghakot na trak ay nagmula sa Agrarian Reform Fund.
Photos 1&2:
Lovimen Gallego, Chairman of the Malalong-Binasbas Agrarian Cooperative in Palawan receives the ceremonial key from DAR Regional Director Marvin Bernal for a hauling truck worth P3.2 million provided by the DAR represented also by Secretary Conrado Estrella III, Undersecretary for support services Rowena Nina Taduran and DAR Asst. Regional Director Josefina Lopez.
Photo 3:
The members of the Bono-Bono Gintong Butil Multi-Purpose Cooperative happily wave after the DAR turned over to them a farm tractor worth P1.4 million.